May limang mahahalagang bagay na magagawa natin, upang mapanatiling
ligtas ang ating mga pamilya at komunidad mula sa coronavirus.
Una: Hugasan ang ating mga kamay at madalas gumamit ng hand sanitizer.
Ikalawa: Panatilihin ang hindi bababa sa 1.5 metrong layo mula sa ibang tao.
Ikatlo: Magsuot ng face mask na tumatakip sa ating bibig at ilong, kung
hindi natin mapapanatili ang ating distansya.
Ika-apat: Makipagkita sa ating mga kapamilya at mga kaibigan sa labas ng bahay, dahil mas malamang na hindi tayo mahahawahan ng virus sa labas.
Ikalima: Magpasuri kaagad at manatili sa bahay kung masama ang ating pakiramdam.
Huwag pumunta sa trabaho o bumisita sa ibang tao.
Pumunta sa coronavirus.vic.gov.au para sa impormasyon kung paano mananatiling
ligtas o tawagan ang Coronavirus Hotline sa 1800 675 398.
Kung kailangan mo ng interpreter, pindutin ang zero.
Reviewed 31 March 2022