Makikita mo ang higit pang impormasyon sa Ingles sa aming Pahina ng Paglalakbay at transportasyon.
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa iyong wika, maaari kang tumawag sa TIS National sa 131 450 at humingi ng interpreter, at pagkatapos ay hilingin na iugnay ka sa call center ng Public Transport Victoria sa 1800 800 007.
Sistema ng Permiso sa Paglalakbay sa Victoria (Victorian Travel Permit Scheme)
Mula alas 6:00 ng hapon sa Lunes, ika-11 ng Enero 2021, kailangan mong mag-aplay ng permiso upang makapasok sa Victoria.
Ang sistema ng permiso ay para sa mga manlalakbay at residente ng Victoria na pauwi na dito.
Ikakategorya ng Victoria ang ilang bahagi ng Australya bilang berde, kulay-kahel o pula, depende sa panganib ng coronavirus sa lugar na iyon.
Upang mag-aplay ng permiso, kailangan mong magbigay ng mga detalye tungkol sa iyong pinanggalingan at pupuntahan.
Ang mga taong nakatira sa mga komunidad sa hangganan ay hindi kailangan ng permiso ngunit mangangailangan sila ng patunay ng kanilang tinitirhan sa hangganan.
Paano mag-aplay:
Mag-aplay ng permiso sa Service
Mga sonang may permiso
Ang pulang sona ay nangangahulugang hindi ka makakapasok sa Victoria. May ilang dahilan para makapasok, gaya ng permiso para sa Specified Worker o Freight Workers, o permiso para sa pagbubukod o iksemsyon, o permiso para sa pagdamay. Kung papasok ka mula sa isang pulang sona nang walang iksemsyon o permisong magtrabaho, ikaw ay magmumulta at uutusang bumuwelta.
Ang kulay-kahel na sona ay nangangahulugang maaari kang mag-aplay ng permiso at kailangang magpasuri sa loob ng 72 oras pagdating sa Victoria. Kailangan mong manatili sa bahay bago at pagkaraan ng iyong pagsusuri hanggang makuha mo ang isang negatibong resulta.
Ang berdeng sona ay nangangahulugang maaari kang mag-aplay ng permiso at pumasok sa Victoria. Kapag nasa Victoria na, kailangang bantayan mo kung mayroon kang mga sintomas at magpasuri kung hindi maganda ang iyong pakiramdam.
Mga iksemsyon sa permiso
Maaari kang mag-aplay ng permisong iksemsyon kung mayroon kang matibay na dahilan. Maaaring kabilang dito ang:
- Magaganap na pagtatapos ng buhay o libing
- Pagbalik sa bahay para sa kadahilanang pangkalusugan, kagalingan, pangangalaga o upang dumamay
- Relokasyong pang-emerhensiya
- Pangangalaga ng hayop sa kabilang panig ng hangganan
Reviewed 15 January 2021